March 2012
17 posts
2 tags
Sulat #19
Ikaw,
Ano ba talaga ang iyong gusto? Ano ang problema sa mga ginagawa ko? Hindi ko naman pinpilit na tanggapin mo ang lahat. Ang lahat ng ako na sadyang sayo’y hindi sapat. Mahabang panahon na ang lumipas ngunit di ako nabago. Ang dating ikaw na kilala ko ay bigla na lang naglaho. Nalimutan mo na ang saya at ligaya sa aking piling. Tila nga yata ayaw mo na akong makita sa’yong...
2 tags
Iniwan na ako ng lahat. Marahil nga ay nalimot na rin. Mahirap tanggapin na wala ako sa’yong piling. Sa pag-iisip ko’y laging nasusundan ng iling. Hanggang ngayon ay sabik pa rin sa iyong lambing. Ilang taon na rin ang nakalipas mula nang mangyari ang mga naganap. Hindi na rin ako umaasang maibabalik ko pa ang lahat. Maiisip mo kayaNG ako’y dalawin ‘man lamang? Nasaan ka na...
2 tags
Halika at ako’y iyong tabihan. Sa piling ko, ang lahat ay iyong malilimutan. Hindi mo na mababago pa ang iyong kapalaran. Ngayo’y narito ka na, kaya ako’y iyong tikman. Kaya kong pawiin ang iyong lungkot. Sa ilang oras, o sa dagling panahon. Subukan mo lang kung ako’y iyong magugustuhan. Ngunit mangako kang hindi ako pagsasawaan. Maraming lalaki na ang aking napaligaya....
2 tags
Sinusubukan ko nang lumayo. Ayokong isipin mo na ang tanging iniisip ko lamang ay ang sarili ko, na hindi ko na kaya pang magbago. Sinumpa ko noon na titigilan na kita. Alam kong ninanais mo rin na huwag na kitang gambalain pa. Pero anong magagawa ko kung sadyang marupok ako sa tukso? Kahit anong gawin ko ay ikaw pa rin ang hinahanap-hanap ko. Masisisi mo ba ko? Ang hirap mo kasing iwasan,...
2 tags
Sinubukan ko na noon ngunit sadyang di sapat. Kung magkakaroon lang ako ng pagkakataong baguhin nangyari at naganap. Kung magagawa ko lang iwaksi ang noo’y hindi ko pinag-isipan. Magkakaroon pa ba ng pag-asa? Magkakaroon pa ba ng kwenta ang lahat? Dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako, na ang kapalaran ko ay maaari pang magbabago. Kung alam ko lang na wala akong panalo. Di na sana ako...
Ang saya. Nakakatuwa palang sumulat ng kahit ano lang. ‘Yung tipong kahit walang laman na tema ang utak mo sa umpisa, bigla na lang may mabubuo na kung ano. Walang proofread, proofread. Pagtapos mong tumipa, “Click Publish”.
Hahaha! Astig. Bukas ulit.
2 tags
Gaano na ba katagal mula noong una kitang nakita. Marahil ay hindi mo na maalaala ang nangyari noong araw na iyon. Naaalaala ko pa na ang tanging saplot mo lamang ay dahon. Kumikinang ang iyong mukha at kumukutitap. Iba ang pakiramdam na hatid ng ngiti sa’yong mukha. Ako’y natunaw sa ngiting walang humpay mong pinawawalan. Nabaliw sa mahinang sigaw mula sa iyong manipis na labi. Noong...
Lumubog ang araw sa dapithapon. Naiwan akong sabog sa sama ng panahon. Bumubuhos ang ulan at ako pa rin ay naghihintay. Sa iyong muling pagbabalik ako’y patay na patay. Nagwawala ang puso upang muli ay makasama ka. Habang naghihintay ay iniisip kung paano, bakit, saan at ano. Mga dahilang hindi ko pa rin mapagtanto. Ano nga bang nagawa ko at iniwan mo ako. Magkagayon man ay narito pa rin ako...
2 tags
Sabay nating limutin ang kahapon. Hayaan ang paglipas ng panahon. Gusto kong makasama ka sa lahat ng oras. Makapiling ka hanggang sa ang lahat ay magwakas. Sino nga ba ang makapagsasabi? Magagawa mo pa bang itanggi? Na ang lahat ng ito’y ilusyon lamang. Sa panaginip lang kita mahahagkan.
3 tags
Tuwing ikaw ang kasama ko sa pag-inom, hindi ako nakararamdam ng tama. Kasi alam...
– Art E. Mono
3 tags
2 tags
4 tags
Fanatic.
Ano ba ang naisipan ko at pumasok ako sa opisinang suot ang T-shirt na ipinagawa ko para sa BMIM? Ito kasi ang unang nahugot ko sa lalagyan ko ng damit at hindi ko na nagawang mamili. Akala ko rin kasi ay di masyadong pansinin.
Kaninang lunch break, bumaba ako para magpa-usok. Parang wala kasi akong gana para kumain. Nakita ko ang dalawang kasamahan ko sa baba na nagpapa-usok rin. Palibhasa mga...
3 tags
Tuldok Kuwit.
Nasaktan na naman kita. Nasira ko na naman ang mga pinangako ko noon. Alam kong sinabi ko noon na hindi na kita sasaktang muli. Ngunit ano na naman ang ginawa ko? Paulit-ulit. Paikot-ikot. Parang kailan lang mula noong nasaktan ka sa mga nagawa ko. Pero ano ba ang dapat kong gawin para malaman mo? Na mali na at ‘di na tama.
Sa mga pagkakataong dulot ko lang ay sakit. Sa mga panahong tila...
2 tags
Sulat #18
Ikaw,
Alam kong pati ikaw ay naguguluhan na rin. Maging ikaw ay hindi alam ang dapat gawin. Malabo na ang tingin. Tulad nito, parang may kausap na hangin. Kahit naman sino siguro ang tanungin ay ganito rin ang mararamdaman. Kung ang dating alam mong tama ay tila nabubura na nang mga linyang baluktot at papel na gusot. Kung umaasa ka pa, tumigil ka na, tama na. Di mo ba nakikita o ayaw mo lang...
2 tags
Ako si Bob Ong.
Sabi ng isang lalaki sa loob ng isang jeep papuntang Baclaran.