August 2011
5 posts
1 tag
Talahulugan a'la Pablo Quaderno. →
2 tags
Pangako: \pä-‘ngä-kô\ verb. 1: Salitang nakakasanayang sabihin ng kasintahan upang makaiwas sa pakikipagtalo at nagbabadyang delubyo sa kanilang relasyon. 2 a: Gawain na maaring maghatid ng katapusan ng isang pagtatalo o sa isang relasyon. b: Madaling paraan para sabihin ang mga katagang, “Maniwala ka sa’kin kahit nagsisinungaling ako.”.
2 tags
Sophie Devereaux
Tinatanong mo sa’kin ang mga bagay na hindi ko na mababago. Wala nang mangyayari kahit na malaman mo. Ang nakaraang wala nang saysay kumpara sa kung anong meron tayo ngayon. Mga bagay ng alam kong alam mo na masasaktan ka. Mga bagay na alam mo namang totoo. May katotohanan pa ba sa likod ng katotohanan na gusto mong malaman?
Kung meron man ay hindi ko na alam.
Ngayon ay hindi ko na alam...
1 tag
Sulat #12
Ikaw,
Bumibili ako ng kendi tuwing recess. Ang alam ko kasi gusto mo yun. Gusto ko sanang ibigay sa;yo kaya lang ayaw mong tanggapin. Sabi mo bawal. Nakakasira sa ngipin.
Laging ako ang unang nakakalabas ng kampus. Laging ako ang naghihintay sa’yo dahil lagi kang may meeting. Iba talaga kapag nasa elite pilot section. Laging may pinagkakaabalahan. Laging may iniisip. Pero hindi lahat...